Miyerkules, Oktubre 9, 2019

Maikling Kwento Para Sa Pamilya

May isang pamilyang di mayaman at di rin gaano mahirap, in short katamtaman lang ang kanilang kabuhayan nila. Ang pamilyang ito ay may limang anak at may lolo at lola na nakaantabay sa kanila. Ang kanilang magulang ay nagtatrabaho lang sa bukirin.Magsasaka ang kanilang Ama. Samatala ang kanilang ina naman ay nasa bukirin para alagaan at paramihin ang tanim sa bukid at para mapalago ito. Mababa lang ang kanilang nakikita ng kanilang ama pero ito'ynagkakasya naman  sa kanilang pangaraw-araw na pangangailangan. Minsan ang kanilang ina naman nito ay tinitinda ang mga napipitas na bunga galing sa kanilang bukiran at ito'y nakakadagdag ng kanilang gastusin sa pagpapaaral ng kanilang anak. Minsan ay kinakapos talaga pero gumagawa naman sila ng paraan lalo na ag mga magulang nito. Minsan kumakain na lang sila ng dalawang beses sa isang araw. Tinitipid din nila ang kanilang buhas pero kung mayani naman sa bukiran ay doon sila kumukuha ng kanilang kinakain. Ang lolo at lola naman nila ay tumutulong din sa pagsasaka kahit na ito'y payat pero malakas ang kanilang pangangatawan kung kumilos ay para talagang binatang binata pa. Siya din ag dahilan kung bakit minsan ay gabi na nagtatawanan parin silang magpapamilya.
Ang kanikang lola naman ay tumutulong din paminsan minsan dahil ito'y may sakit sa puso kaya madalang lang ito magpagod. Ang mga magkakapatid naman ay tumutulong sa gawaing bahay kaya kahit na mahirap sila naitataguyod naman sila ng kanilang mga magulang sa sobrang pagmamahal  at pagaruga niminsan hindi sila pinagbuhatan ng kamay ng mga ito kaya sobra sobra ang pasasalamat nila sa Diyos  dahil binigyan sila ng magandag pamumuhay  at mapagmahal na mga anak at magulang kaya kahit naturingan na mahirap ang buhay ay masayang masaya parin ang mga ito dahil kontento na sila kung ano ang meron ang pamilya nila